“Farms Safety Month” ngayong Agosto, ginugunita ng mga magsasaka

Bilang huling araw ng buwan ng Agosto, mahalaga na malaman ng publiko lalo na ng mga magsasaka na ngayon buwan ay gunigunita ang “Farms Safety Month” sa ilalim ng proklamasyon Number 115 Series of 1966.

Ayon kay Ram Sison, Adminstrative Officer ng Office of the Provincial Agriculture Office (OPAG) Pangasinan, batay sa pag-aaral ng International Labor Office (ILO) umaabot sa mahigit isandaang libo kada taon ng mga magsasaka ang nakakaranas ng aksidente sa sector ng agrikultura.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi pa ni Sison na tatlo ang sektor ng agrikultura sa pilipinas at sa buong mundo ang nasa peligro sa larangan ng paggawa.

Para higit pa umanong maprotektahan ang mga magsasaka, itinatag din ang iba pang batas gaya ng Agriculture and Fishery Modernizaton act (AFMA) o Republic Act 8435 of 1997 at Food Safety Act of 2003

Dagdag pa ni Sison, datay sa datos ang paggamit ng ibat-ibang makinarya o machinary at haradous chemical ang malimit pagmulan ng aksidente ng mga magsasaka.

Speak Your Mind

*