Free Irrigation Bill, malaking tulong sa mga magsasaka sakaling maaprubahan

Malaking tulong para sa mga magsasaka na miyembro ng Irrigation Association sakaling maipatupad ang isinusulong na Senate Bill No. 140 o Free Irrigation Reform and restructuring Act of 2016 ni Sen. Cynthia Villar.

Ito ayon kay Ernesto Pamoceno, pangulo ng Pangasinan National Irrigation Association ay dahil sa laki ng nagagastos ng mga magsasaka sa pagbabayad ng irrigation fee.

Umaabot umano sa limang kaban ng palay o tinatayang nasa apat na libong piso sa kada ektarya ang ibinabayad ng mga magsasaka sa national irrigation administration sa loob ng isang taon.

Sinabi pa ni Pamuceno na mandatory sa mga magsasaka na miyembro ng assosasyon ang pagbabayad ng patubig kayat malaking tulong para sa mga magsasaka kung magiging libre na ito.


40% ng pondo ng irrigation association, nawawala sakaling ipatupad ng libreng patubig

Aabot sa apatnapung porsyento ng pondo ang mawawala sa mga Irrigation Association kapag naipatupad na ang Free Irrigation Reform and Restructuring Bill na nakahain ngayon sa senado.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Ernesto Pamoceno, pangulo ng Pangasinan National Irrigation Association, na ito ang epekto sakaling maapruhan ang pagkakaroon ng libreng patubig sa mga magsasaka.

Sinabi pa ni Pamoceno na mawawalan na sila ng pondo para sa pambayad ng mga taong maglilinis sa mga irrigation canal, mamamahala at magko-control sa suplay ng patubig.

Dahil dito, umaasa ang opisyal na mabibigyan ng pansin ang posibleng umusbong na problemang ito.

Ang tinig ni Ernesto Pamoceno, pangulo ng Pangasinan National Irrigation Association sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*