Habagat, nakatulong sa mga magsasaka na nasa rainfed areas

Malaki ang naitulong ng hanging habagat na nagdala ng mga pag-ulan sa mga magsasaka na nasa rainfed areas.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Annie Bares, Operations Chief Division ng Department of Agriculture (DA) Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon kay Bares, ang tubig na dala ng pag-ulan ang hinihintay ng mga magsasaka na nasa mataas na bahagi ng sakahan.

Ito aniya ang dahilan kung bakit mas bababa ang naitalang napinsala sa rehiyon ng nagdaang habagat, dahil marami pa sa mga magsasaka ang hindi nakakapagtanin dala ng kakulangan ng patubig.

Dagdag pa ni Bares, prayoridad naman sa binabatayan kapag may sama ng panahon ang mga sakahan na nasa low lying area dahil sa posibilidad na pagbagsak ng maraming volume ng tubig.

Speak Your Mind

*