Hidilyn Diaz, malaki ang tyansa sa gintong medalya sa Olympic

Malaki ang pag-asa ngayon ng Pinay Weightlifter na si Hidilyn Diaz na makamit ang kauna-unahang gintong medalya sa Olympic.

Ito ay dahil kasama sa nasuspinde ang ilang sa inaasahang niyang magiging karibal sa weightlifter na si Zulfiya Chinshanlo mula sa Kazakhstan.

Kabilang si Chinshanlo sa apat na Kazakhs lifter na-banned bunsod ng pagkakadawit sa droga.

Nagpositibo ang samples ng mga Kazakhs lifter na ginamit sa London Games sa isinagawang re-testing ng International Olympic Committee (IOC).

Una nang nakalusot patungong Rio si Diaz nang magwagi ng bronze medal sa 2015 world championship sa Houston.

Speak Your Mind

*