Ibat-ibang training sa ilalim ng SME Roving Academy, inilunsad ng DTI

DTI Natalia DalatenInilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mobile training program para mai-promote ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMES) sa Eastern Pangasinan.

Ito ayon kay Natalia Dalaten, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan ay sa ilalim ng SME Roving Academy, kung saan nagsasagawa ng ibat-ibang training para sa pagne-negosyo at matulungan ang maliliit na mga negosyante na maimprove ang kanilang produkto.

Kabilang aniya sa itinuturo dito ang training on packaging and labeling, at current good manufacturing practices para sa mga food sector kung saan importante ang ganitong mga pagsasanay para malaman ang mga food preparation at food safety.

Bukod dito, isasagawa din ang skills up-grading on fish processing sa Western Pangasinan sa darating a-trenta at trenta uno ng Agosto.

 

Dagdag pa ni Dalaten na nakakasa narin ang iba pang training na isasagawa ng DTI sa darating na mga buwan gaya ng how to prepare finance statement, at visual merchandising.

Speak Your Mind

*