Ika-22 Olympic gold medal, nakuha ni Michael Phelps sa Rio Olympics.

Muling nagtala ng kasaysayan ang American Swimmer na si Michael Phelps matapos nitong makuha ang ika-dalawampu’t dalawang olympic gold medal.

Nanguna si Phelps sa 200 meter individual medley swimming event sa nagpapatuloy na Rio Olympics sa Brazil.

Ito na ang ika-apat na gintong medalya na nakuha ni Phelps sa Rio Olympics.

Si Phelps din ang kauna-unahang swimmer na nanalo ng apat na sunod-sunod na gold medals sa magkakasunod na swimming event.

Pumangalawa naman sa 200 meter individual medley si Kosuke Hagino ng Japan habang pumangatlo si Shun Wang ng China.

Speak Your Mind

*