Ilang barangay sa Calasiao, lubog parin sa tubig baha – PDRRMO

PDRRMO Avenix ArenasNananatiling may ilang barangay parin sa bayan ng Calasiao, Pangasinan ang lubog sa tubig baha dulot ng ilang linggo pag-ulan dala ng hangging Habagat.

Ito ang inihayag ni Avenix Arenas, Training at Information Officer ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO kung saan ang bayan ang Calasiao ay itinuturing na low-lying areas sa lalawigan.

Sinabi naman ni Arenas na sa ngayon ay nananating zero casualty ang Pangasinan sa pananalasa ng Habagat taliwas sa ulat na nagkaroon ng ilang aksidente na may kaugnayan sa sama ng panahon.

 

Dagdag naman ni Arenas na malaki ang naitulong ng pagkatatag ng Disaster Risk Reduction and Management Federation na binubuo ng lahat ng DRRMO sa Pangasinan kung saan sila ang gumagawa ng report at assessment.

Speak Your Mind

*