Ilang personalidad, tinutulan ang paglilibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani

Inalmahan ng ilang personalidad ang paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani.

Kabilang sa mga tumututol sina dating pangulo Fidel V. Ramos, Marikina Representative Miro Quimbo, Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate, Senador Kiko Pangilinan at ang National Historical Commission of the Philippines.

Ayon sa NHCP, kwestyunable umano ang pagiging sundalo ni Marcos at hindi ito kwalipikado na ilibing sa libingan ng mga bayani.

Samantala, hinikayat naman ni Senador Franklin Drilon si Pangulong Duterte na muling pag-isipan ang naging desisyon nito.

Ayon kay Drilon, ang ganitong sensitibong isyu ay hindi makakatulong sa pagkakaisa ng bansa kundi magdudulot lamang ng pagkakawatak-watak ng Pilipino.

Speak Your Mind

*