Isinasagawang relief operation sa Dagupan, tuloy-tuloy

Tuloy-tuloy ang isinasagawang relief operation ng City Government ng Dagupan sa mga residente na epektado ng mga pagbaha.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay idineklara ang State of Calamity sa lungsod ng Dagupan dahil sa laki ng epektong dulot ng pagbaha dala ng hanging habagat.

Ayon kay Bernard Cabison, Technical Consultant ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), personal na pinamamahalaan ng CDRRMO at DSWD ang pamamahagi ng relief goods upang hindi ito mahaluan ng politika.

Sa ngayon, patuloy ring ipinapatupad ang libreng sakay sa rescue track na umiikot sa mga binahang lugar kung saan partikular nitong siniserbisyuhan apektadong residente at ang mga estudyante.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Cabison na may makatalagang mga evacuation center sa lungsod sakali mang maranasan ang matinding pagbaha lalo na sa mga island barangay.

Speak Your Mind

*