John Lloyd Cruz at Maja Salvador, mapapadalas ang pagsasama

#Showbiz_JLC and MajaDahil parehong single, napapadalas daw ang pagsasama ngayon nina John Lloyd Cruz at Maja Salvador kaya marami ang excited kung saan dadalhin ang pag-i-enjoy nilang magkasama.

Kapansin-pasin din ang pagpapakuha nila ng litrato kasama ang kani-kanilang sa fans na nagre-request na makasama sila sa picture.

Unang nakitang magkasama sina John Lloyd at Maja nang manood ng How To Be Yours nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Nasundan naman ito nang makita silang magkasama sa Pearl Farm sa Davao City na hindi naman malinaw kung may event sa Davao ang dalawa kaya naroon sila sa Pearl Farm.

Speak Your Mind

*