Junjun Binay, humiling na makalabas ng bansa para maipagamot ang anak

Inihirit ni dismissed Makati Mayor Junjun Binay sa Sandiganbayan na makalabas siya ng bansa.

Sa kanyang motion to travel abroad, nais ng dating alkalde na magtungo sa Amerika kasama ang anak na si Maria Kennedy para ipagamot ito doon.

Agosto katorse hanggang a-bente kwatro ang hiniling ni Binay para makalabas ng bansa.

Si Binay ay dinismiss ng Ombudsman dahil sa umano’y maanomalyang pagpapatayo ng Makati Carpark Building.

Speak Your Mind

*