Kakai Bautista, ipinagtanggol ang sarili sa mga bashers

Ipinagtanggol ni Kakai Bautista ang kanyang sarili tungkol sa diumano’y panlalait sa kanya.

Ito’y matapos ang pagbabalik sa bansa ng Thai Actor na si Mario Maurer.

Dumating kasi ang Thai Superstar sa bansa para sa isang press conference bilang Amazing Thailand Campaign Ambassador ng tourism Authority of Thailand.

Sa facebook post ni Kakai, inilabas nito ang kanyang sama ng loob sa mga panlalait na kanyang natatanggap dahil sa pagiging close sa Thai Actor.

Say ng komedyante, kung ang panlalait sa kanya ang magpapasaya sa mga bashers, hahayaan niya na lamang umano ang mga ito.

Matatandaang nagkatrabaho si Kakai at Mario sa pelikulang suddenly it’s magic kung saan na-link ang dalawa matapos kumalat ang kanilang litrato na magkasama at tila sweet na sweet sa isa’t isa.

Speak Your Mind

*