Kaso ng dengue sa Pangasinan, bumaba sa sampung porsyento

Bumaba sa sampung porsyento ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan ngayon taon simula buwan ng Enero hanggang Agosto kumpara noong nakaraang taon.

Batay sa tala ng Provincial Health Office, aabot na sa 1,365 ang dengue cases na naitala ngayong taong 2016 kumpara sa 1,497 sa kaparehas na panahon noong 2015.

Patuloy naman binabantayan ang sampung bayan na may mataas na kaso ng dengue, kabilang na ang bayan ng Asingan, Mangaldan, San Carlos City, Calasiao, Bayambang, Pozorrubio, Malasiqui, Manaoag, San Fabian, Sta. Maria, at Alaminos City.

Sinabi naman ni Provincial Health Officer Dr. Anna de Guzman na karaniwang dahilan kung bakit nauuwi sa kamatayan ang isang pasyente ay dahil hindi ito naaagapang dalhin sa hospital.

Paalala naman ni de Guzman sa publiko lalo na ngayong tag-ulan na ugaliin ang maglinis sa kapaligiran para hindi pamugaran ng mga lamok na nagdadala ng dengue virus.

Speak Your Mind

*