Kaso ng rabies sa Pangasinan, umabot na sa mahigit labing apat na libo

PHO Ruby DoriaUmabot na sa 14,390 ang kaso ng rabies sa lalawigan ng Pangasinan mula buwan ng enero hanggang hunyo 30, kung saan labin apat na rito ang namatay.

Inihayag ni Ruby Doria, Nurse Staff ng Provincial Health Office (PHO), makakabahala ito mula sa 19,037 na naitalang kaso sa buong taon noong 2015 kung saan siyam na katao naman ang namatay.

Ayon pa kay Doria, isa sa pangunahing dahilan kung bakit mataas ang kaso ng namatay sa rabies ay dahil inuna pa ng publiko ang pagpapa-tandok kaysa magpakonsulta sa mga health center o mga Animal Bite Tratement Center sa Pangasinan.

Ipinapayo naman ni Doria na maging reponsableng tagapag-alaga ng hayop, pabakunahan at iparehistro ang alagang aso laban sa rabies, paliguan bigyan ng malinis na pagkain at inumin ang alagang aso at itali huwag pabayaang gumagala ang alagang aso.

Speak Your Mind

*