Kaso ng sakit na Pneumonia sa Pangasinan, umabot na sa mahigit apat na libo

Umabot na sa 4,405 ang kaso ng sakit na pneumonia sa lalawigan ng Pangasinan mula buwan ng Enero hanggang Hunyo ngayong taon, mataas kumpara sa 5,771 ang naitalang kaso ng pneumonia sa buong taon ng 2015.

Mas mataas naman ang naitalang namatay noong 2015 kung saan umabot ito ng 1,336 habang ngayong taon ay nasa 173 ang namatay dahil sa sakit na pneumonia.

Ayon kay Provincial Health Officer (PHO) Dr. Anna de Guzman, matuloy nilang hinihikayat ng bata at mga matatanda na magtungo sa mga health center para magpabakuna dahil may libre namang pneumonia vaccine.

Karaniwan aniyang dahilan ng pagkakaroon ng sakit na pneumonia ang pagbago-bagong lagay ng panahon, pero maaari aniya itong maiwasan kung iiwas sa mga taong may sakit na trangkaso, palakasin ang resistensya, uminom ng maraming tubig, kumain ng masusustansyang pagkain at siguraduhing may sapat na tulog.

Speak Your Mind

*