Kaso ng sakit na TB sa Pangasinan, pumalo na sa mahigit dalawang libo

PHO Eugene ParagasPumalo na sa mahigit dalawang libo ang kaso ng sakit na TB o tuberculosis sa lalawigan ng Pangasinan ngayong unang quarter ng taon.

Ito ang inihayag ni Eugene Carlos Paragas, Health Education Promotion Officer ng Provincial Health Office (PHO) sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon kay Paragas, mataas ang naitalang dalawang libo tatlong daan animnaput siyam (2,369) na kabila ng kampanya ng PHO laban sa sakit sa baga.

Kaya ngayong buwan ng agosto kung saan idineklara bilang “Lung Month Celebration” sa bisa ng Presidential Proclimation No. 1761 serries of 1978 ay mas pinaigting ang pagbibigay ng information and awareness.

Karaniwan naman aniyang naitatala ang mga sakit sa baga gaya ng tuberculosis, asthma, at lung cancer at ang pangunahing dahilan nito ay ang paninigarilyo.


Nakahahawang sakit na TB, ipinaalala ng PHO ngayong National Tuberculosis Awareness Month

Kasabay din sa selebrasyon ngayon buwan ng Agosto na “National Tuberculosis Awareness Month”, kayat ipinaalala ng Provincial Health Office (PHO) na ang sakit na TB ay hindi namamana kundi nahahawa.

Ayon kay Eugene Carlos Paragas, Health Education Promotion Officer ng PHO, ang TB ay isang sakit na maaring makuha sa paglanghap ng hanging may dalang mikrobyo mula sa may sakit ng TB.

Ito aniya ay isang airborn diseases kaya mas madaling makahawa.

Payo naman ng PHO sa publiko na kung nakakaranas ng dalawang linggo pag-ubo ay magpasuri na sa doktor upang masuri kung anong sanhi ng pag-ubo dahil hindi madaling masuri kung ito ay sintomas na ng sakti ng TB.

Speak Your Mind

*