Livestock sector sa Region 1, tinututukan ng DA, kaso ng rabies, prayoridad

Patuloy ang ibinibigay na serbisyo ng Department of Agriculture (DA) sa livestock sector partikular na sa programang “control and prevention of animal diseases”.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Dr. Annie Bares, Operations Chief Division ng Department of Agriculture (DA) Region 1, na partikular nilang tinututukan ang kaso ng rabies dahil sa tumataas na kaso nito.

Sa pamamagitan aniya ng programa ng DA, pinapangunahan ng Provincial Veterinary Office at Municipal Agriculture Office ang pagbabakuna sa mga alagang aso para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng rabies lalo na sa Pangasinan

 

Nabatid na umabot na sa 14,390 ang kaso ng rabies sa lalawigan ng Pangasinan mula buwan ng Enero hanggang Hulyo, kung saan labin apat na rito ang namatay.

Speak Your Mind

*