Luzon Grid, isinailalim sa yellow alert dahil sa manipis na reserba ng kuryente

Muling isinailalim sa yellow alert ang buong Luzon Grid mula alas diyes hanggang alas kwatro ng hapon dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, ang yellow alert ay dahil sa shutdown ng Pagbilao 2, Malaya 2, GNpower 1, Calaca 2, Sta. Rita Mod.20, SLTEC 1 & 2, Limay 2 & Angat 2 Power Plants.

Limitado naman ang kapasidad ng Limay, Malaya 1, at Calaca 1.

Nasa 306 megawatts ang reserba sa kuryente.

Pero mababa naman ang inaasahang demand sa kuryente dahil sa bagyong Carina.

Hinimok naman ng Meralco ang mga konsyumer na magtipid sa kuryente.

Speak Your Mind

*