Luzon Grid, muling isinailalim sa yellow alert

Muling isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines ang buong Luzon Grid sa yellow alert.

Epektibo ang yellow alert mula alas diyes ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.

Kapos ang suplay ng kuryente sa naturang mga oras.

Nasa 547 megawatts lamang ang reserba sa kuryente ngayong araw.

Nag-abiso naman ang Meralco sa mga konsyumer na magtipid sa kuryente.

Speak Your Mind

*