Mahigit 1.7 milyong registered voter, naitala sa Pangasinan

Umabot sa 1,726,879 ang kabuoang registered voter sa barangay level sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Habang nasa mahigit 67,000 ang 15-17 year old na para sa Sangguniang Kabataan (SK) ang naitalang registered voters para sa gaganaping Barangay at SK Election sa darating na Oktobre.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi naman ni Atty. Marino Salas, Comelec Supervisor sa Pangasinan na posibleng madagdagan pa ang bilang ng nasa 15-17 years olds dahil kukuhain pa ang 18-30 year old mula sa regular voters para masama sa SK voters.

Ngunit ang maaari lang umanong kumandidato bilang SK officials ay ang mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 24, habang hindi pa malinaw kung ang mga nasa edad 18 hanggang 30 ay maaaring bumoto sa barangay at sk election.

Magiging hiwalay din umano ang balot box at officials ballot ng Barangay at SK ngunit iisa lang umano ang mangangasiwa na Board of Election Tellers sa mismong araw ng halalan.

Speak Your Mind

*