Mahigit isang libong ektaryang kabundukan, target matamnan ng DENR

Target ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na matamnam ang aabot sa 1,552 ektaryang kabundukan sa lalawigan ng Pangasinan ng mga punong kahoy.

Ito ayon kay Rose Carmelita Orduña, CENRO Officer ng lungsod ng Dagupan ay sa ilalim ng programa ng ahensya na National Greening Program.

Kabilang aniya rito ang mga bayan na may mga bulubunduking lugar gaya ng bayan ng Agno, Dasol, Sual, Mabini at Infanta sa Western Pangasinan.

Kasama din ang mga bayan ng Labrador, Aguilar, Bugalon, Mangatarem sa Central Pangasinan at ang mga bayan ng San Nicolas, San Quintin, Balungao, at San Manuel sa Eastern Pangasinan.

Kasabay nito, apela naman ni Orduna sa kumunidad na makiisa sa programa ng gobeyerno na pagtatanim ng punong kahoy dahil sa kahalagahang dulot nito sa kalikasan

Ang tinig ni Rose Carmelita Orduña, CENRO Officer ng lungsod ng Dagupan sa panayam ng Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*