SSS conctribution ng mga OFW, hindi umano boluntaryo

SSS InocencioNilinaw ng Social Security System (SSS) Central Luzon na hindi boluntaryo ang SSS conctribution ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Maureen Inocencio, Senior Communications Analyst ng SSS sa Central Luzon, sinabi nito na ito ay dahil sa mahirap obligahin ang employer ng mga OFW sa abroad.

Ngunit ayon kay Inocencio, may P5,000 minimun braket contribution naman ng OFW kada buwan, kaya umaabot sa P500 kada buwan ang kontribusyon ng mga OFW.

Tatanggap naman ng parehas na benepisyo ang mga OFW.

Ayon pa kay Inocencio na marami sa ating mga OFW ay nakaka-comply sa SSS contribution dahil sa dumaraming foreign offices.

 


Maraming kumpanya, hindi nagbabayad ng contribution sa kanilang manggagawa – SSS

Aminado ang Social Security System (SSS) na marami sa mga kumpanya ngayon ang hindi nagbabayad sa SSS contribution ng kanilang mga manggagawa.

Ito ay batay umano sa monitoring ng account management section ng SSS kung saan maraming mga kumpanya ang hindi nagco-comply sa batas ng SSS.

Iginiit ni Maureen Inocencio, Senior Communications Analyst ng SSS sa Central Luzon, na hindi lamang mga regular employees ang binabayaran ng sss, kundi lahat ng mga contractual at mga nag-e-endo o End of Contract.

Sakali naman aniyang may mga manggagawa na biktima ng ganitong sistema na hindi kinakaltasan ng SSS ay maaaring magreklamo sa alinmang tanggapan ng SSS at Department of Labor and Employment o DOLE.

—–

Speak Your Mind

*