Marusay River sa Calasiao, umabot na sa critical level

Nananatiling nakamonitor ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Calasiao sa Marusay River kung saan umabot na sa critical river ang tubig nito dahil sa walang patid na pag-ulan.

Ayon kay Freddie Villacorta, MRDDMO Officer ng Calasaio, pitong barangay na ang binaha sa bayan kabilang na ang Brgy. Talibaew, Lumbang, Banaoang, Lasip, Gabon, Longos at San Vicente.

Patuloy din umano ang ginagawang constant monitoring ng MDRRMO sa mga opisyal na nasa flooded barangay para sakaling mang magpatupad ng evacuation ay handa na ang mga residente.

Samantala, monomonitor narin ang level ng tubig sa Sinucalan River na nasa 5.5 meter above sea level malayo na pa sa critical level nito na 7.2 meter above sea level, ganumpaman binaha na ang dalawang barangay ng Sta. Barbara na Brgy. Dalongue at Sonquil kayat patuloy na pinag-iingat ang mga residente

Speak Your Mind

*