Mga guro, pinaalalahanan ng Deped sa corporal punishment

DEPED Darius NietoMuling ipinaaalala ng Department of Education o Deped Regional Office I sa mga guro na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng corporal punishment sa kanilang mga estudyante.

Inihayag ni Darius Nieto, Information Officer at Project Development Officer IV ng Deped Region 1 na ang corporal punishment ay ipinagbabawal sa ilalim ng comprehensive child protection policy ng Deped.

Sinabi pa Darius na posibleng maharap sa isang kaso ang mga guro na mapatunayan sinasaktan niya ang mga estudyante.

 

Sakali naman aniyang kailangan na ng mga guro na disiplinahin ang mga estudyante ay mas mabuting ipatawag sa paaralan ang kanilang mga magulang para pag-usapan sa harap ng punong guro kung paano disiplinahin ang kanilang anak.

Speak Your Mind

*