Mga kumpanya ng langis, magpapatupad ng oil price rollback

Magpapatupad ng rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Diyes sentimo ang ibababa sa kada litro ng gasolina habang sitenta’y singko naman ang ibabawas sa kada litro ng diesel ng kumpanyang Shell, Phoenix Petroleum, Seaoil, PTT Philippines, Unioil at Eastern Petroleum.

Otsenta’y singko naman sa kada litro ng kerosene ng shell habang wala namang rollback sa kerosene ang Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Flying v, Unioil, Chevron at Eastern Petroleum.

Unang magpapatupad ng rollback ang Seaoil, Chevron at Flying V alas dose uno bukas, Agosto a-nwebe.

Habang karamihan naman ay alas sais ng umaga bukas ipapatupad ang rollback.

Speak Your Mind

*