Mga programa para sa residente ng Pangasinan, tinututukan ng TESDA

TESDA Wong 1Patuloy na isinusulong ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ang entrepreneurship, manpower development at infrastructure development program sa lalawigan ng pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Tesda Provincial Director Engr. Manuel Wong na ito ay upang turuan ang mga TESDA graduates na hindi lang nakatuon sa wages employment kundi turuan silang magnegosyo.

Sa pamamagitan aniya ng pagnenegosyo ay natutuo ang mga ito na magbigay ng serbisyo sa iba at sa kuminidad.

Dagdag pa ni Wong na nakikita rin ng TESDA ang mga magagandang tanawin sa pangasinan na angkop sa eco-tourism at para narin sa manpower development program ng ahensya.

At dahil sa lumalagong ekonomiya ng bansa, tinututukan rin ng TESDA ang mga maggagawa o skill workers sa mga construction gaya ng carpentry plumbing, at masonry para sa kanilang infrastructure development program.

Speak Your Mind

*