Michael Phelps, nakuha ang ika-21 Olympic Gold Medal

Nakuha ni American Swimmer Michael Phelps ang kanyang ika-dalawampu’t isang gintong medalya sa Olympics.

Ito’y matapos siyang manguna sa four-by-two hundred relay swimming event sa Rio Olympics.

Ngayong araw din ay nakuha ni Phelps ang kanyang ika-dalawampung gintong medalya sa two hundred meter butterfly.

Matatandaang taong 2012 nang matalo si Phelps sa naturang swimming event kay Chad Le Clos ng South Africa noong 2012 London Olympics.

Pasok sa top five ang Amerika, China, Hungary, Australia, at Russia habang rank thirty two naman ang Pilipinas.

Speak Your Mind

*