Michael Phelps, nakuha ang kanyang ika-labinsiyam na Olympic Gold Medal

Nakuha ng American Swimmer na si Michael Phelps ang kanyang ika-labinsiyam na Olympic gold medal matapos manalos sa 4×100 meters freestyle relay.

Simula ng sumali sa Olympics, may dalawampu’t tatlong medalya na si Phelps na may dalawang silver medal at dalawang bronze medal.

Si Phelps din ang kauna-unahang swimmer na nanalo ng gold medal sa apat na magkakahiwalay na laro.

Nakuha naman ng France ang silver medal habang Australia naman ang nakakakuha ng bronze.

Sa ngayon ay nangunguna na sa medal standings ang Amerika na may labindalawang medalya.

Top 2 naman ang China; top 3 ang Australia; top 4 ang Italy; at top 5 ang South Korea.

Nasa top 20 naman ang Pilipinas at ang host country na Brazil na kapwa may tig-isang silver medal.

Speak Your Mind

*