Mother-baby friendly facilities, isinusulong sa mga government hospital

PHO Aurora DoriaIsinusulong ngayon ng Provincial Health Office (PHO) sa anim na District Hospital at walong Community Hospital na magkaroon ng akreditasyon bilang Mother-Baby Friendly Facilities.

Ito ang inihayag ni Aurora Doria, Maternal Health Program Manager ng PHO sa panayam ng DZRD Sonshine Radio batay sa Executive Order No. 51 o tinatawag na milk code.

Layunin umano ng Mother-Baby Friendly Facilities sa lahat ng government hospital na i-promote ang breast feeding sa unang anim na buwan ng sanggol.

Kabilang naman aniya sa requirment para sa accreditation ay dapat magkaroon sila ng polisiya kaugnay sa promotion ng breast feeding sa loob mismo ng kanilang pasilidad.

Samantala, dapat din umanong magkaroon ng breast feeding station ang lahat ng mga prebadong kumpanya para sa lahat ng mga nagpapasusong ina.


Breastfeeding counseling, kasama sa itinuturo sa pre natal check-up

Kasama sa itinuturo ng mga health authority sa lalawigan ng Pangasinan ang pagpapasuso ng mga ina kanilang sanggol o ang breastfeeding counseling

Ayon kay Aurora Doria, Maternal Health Program Manager ng Provincial Health Office, sa pre-natal check-up palang ay itinuturo na sa mga ina ang breast feeding sa kanilang magiging anak.

Prayoridad din umano ng program ang mga first time mother at mga teenage mother na posibleng walang balak magpasuso pagkatapos manganak dahil sa pangambang masisira ang kanilang katawan.

 

Ang tinig ni Aurora Doria, Maternal Health Program Manager ng Provincial Health Office sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*