NAPOLCOM, wala pang natatanggap na reklamo kaugnay sa mga shooting insident

Wala pang natatanggap na reklamo ang National Police Commission (NAPOLCOM) laban sa mga police personnel dahil sa pinaigting na kampanya kontra kreminalidad at ilegal drugs.

Ito ang inihayag ni Atty. Edwin Mapili, NAPOLCOM Provincial Director sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon pa kay Mapili, batay sa tala ng pnp, pito na ang naitalang shooting insident sa mga isinagawang police operation sa buong Region 1 ngunit wala silang natatanggap na reklamo na may nalabag sa human rights.

Ganunpaman, sinabi ni Mapili na nagsasagawa parin ng validation ang NAPOLCOM sa police operation na may shooting insident upang malaman ang isinagawang procedure ng PNP.

Ang tinig ni Atty. Edwin Mapili, NAPOLCOM Provincial Director sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*