National Irrigation Development Administration, ipapalit sa pangalan ng NIA

Posibleng mapalitan na ang pangalan ng National Irrigation Administration (NIA) ng National Irrigation Development Administration (NIDA) sa ilalim ng isinusulong na Senate Bill No. 140 o Free Irrigation Reform and Restructuring Act of 2016.

Ito ang inihayag ni Ernesto Pamoceno, pangulo ng Pangasinan National Irrigation Association dahil sa isinusulong na batas ni Senador Cynthia Villar sa senado.

Kasama rin umano rito ang pag-aalis sa irrigation fee o libreng bayad sa patubig alinsunod sa nais ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi pa naman umano malinaw para sa mga Irrigation Association sa buong bansa kung anong guidelines ang ipatutupad rito lalo’t nakahain pa ang nasabing batas sa senado.

Inaasahan naman ni Pamuceno na posibleng magkaroon din nang ibang besyon ng naturang panukalang batas sa Kongeso.

Speak Your Mind

*