NFA, tiniyak ang suplay ng bigas sa lalawigan ng Pangasinan

NFA Maramba - JacintoTiniyak ng National Food Authority (NFA) Western Pangasinan na sapat ang suplay ng NFA rice para sa pangangailangan ng mga Pangasinense.

Ito ayon kay Chona Maramba, Administrative Officer ng NFA-Western Pangasinan ay umaabot pa sa 250,000 bags ang stock ng NFA rice sa Western Pangasinan.

Inaasahang kaya itong masuplayang ng pangangailangan ng bigas sa lalawigan hanggang sa katapusan ng taon.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi rin ni Maramba na nananatiling matatag at hindi nagbabago ang presyo ng NFA rice na nasa P27 hanggang P32 ang kada kilo.

Sa pagpasok ng tag-ulan, mas pinalawak ng ahensya ang kanilang serbisyo para mas madaling maabot ng mga mamimili ang NFA Rice, ito ay sa mas pinalawak na “Bigasang Bayan” na matatagpuan na sa mga palengke, barangay, harap ng simbahan, paaralan  at mga terminal.

——

NFA, naglabas na ng MOA sa mga LGU’S para sa suplay ng bigas sa panahon ng kalamidad

Naglabas na ng Memorandum of Agreement (MOA) ang National Food Authority (NFA) sa lahat ng mga local government unit ng Western Pangasinan para sa pangangailangan ng bigas sa panahon ng kalamidad.

Sa panayam kay Marissa  Jacinto, Industry Service Officer ng NFA-Western Pangasinan ng DZRD Sonshine Radio, sinabi nito na magagamit ng mga LGU ang naturang kasunduan sa pagitan ng nfa sa panahon ng may bagyo.

Mahalaga aniya ito dahil mas mapapadali ang paglalabas ng suplay ng bigas sa mga lgu’s sa panahon ng kalamidad lalo na sa relief operation.

Sa ngayon dalawang LGU’S na ang tumugon sa kanilang kahilingan at nanatili naka-antabay ng nfa dahil kailangan pa itong isangguni ng lokal na pamahalaan sa Sangguniang Bayan.

 

Speak Your Mind

*