NMIS, nagbabala sa mga nagbebenta ng mga mishandled meat

Mas pinaigting ngayon ng National Meat Inspection Service (NMIS) Regional Office 1 ang pagpapatupad ng polisiya na hygienic handling of newly slaughtered meat in meat market.

Ayon kay Dr. Eduardo Oblena, NMIS Regional Director, target sa naturang polisiya ang mga karneng galing sa mga bagong katay na hayop mula sa slaughterhouse.

Sinabi ni Oblena, sa ilalim ng DA Administrative Order Number 5 at 6 ay dapat mahigpit na mamomonitor at nare-regulate ang seeling period ng mga bagong katay na karne.

Dapat umanong hindi lalampas nang walong oras ang pagbebenta ng mga bagong katay na karne dahil posible na itong masira.

 

Kasabay nito, pinaalalahanan naman ni Oblena, sa mga tindera na sundin ang ipinapatupad na polisiya at iwasan na ang pagtitinda ng mga mishandled meat upang hindi makagawa ng paglabag sa ipinapatupad na batas.

Speak Your Mind

*