Non-showbiz girlfriend ni Jovit Baldivino, nagsilang ng isang baby girl

Proud na inanunsyo ng girlfriend ni Jovit Baldivino na si Shara Chavez na nagsilang ito ng healthy baby girl.

Sa facebook post ni Shara, ibinahagi nito ang larawan ng unang anak nila ni Jovit na si baby Ayeka.

Ito ang unang pagkakataon na inamin ni Shara na buntis ito at ngayon ay isa ng ina.

Matatandaang noong Mayo lamang ibinahagi ng 18 year old na si Shara na masugid na tagahanga siya ng kapamilya singer noon pa bago sila naging magkasintahan.

Ngayon, halos isang taon na ang dalawang magkasintahan.

Speak Your Mind

*