NOPOLCOM, iginiit na trabaho ng PNP na imbestigahan ang umanoy summary execution

Nilinaw ng National Police Commission o Napolcom Region 1 na trabaho ng philippine National Police o PNP na imbestigahan ang umanoy summary execution.

Ito ayon kay Atty. Edwin Mapili, Napolcom Provincial Director ay dahil ang taging hawak lang nilang kaso ang mga legitimate police operation na nagkaroon ng shooting insident.

Dagdag pa ni Mapili na nasa pulisya ang kapangyarihan na imbestigahan kung totoong mayroong civilian o vigilant groups na pumapatay sa mga taong sangkot sa iligal na droga.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Mapili na nakamonitor ang napolcom sa isinigawang imbestigasyon ng pnp sa mga umanong summary killing na nagaganap sa pangasinan kung saan may inosente pang biktima.

——

Mga pulis na magpopositibo sa paggamit ng iligal na droga, posible umanong matanggal sa serbisyo – NAPOLCOM

Posibleng pagkatanggal sa serbisyo ang kakaharapin ng isang pulis kung ito ay magpopositibo sa paggamit ng iligal na droga.

Ito ang inihayag ni National Police Commission o Napolcom Provincial Diretor Atty. Edwin Mapili kaugnay sa mga isinagawang random drug testing sa lahat ng police personnel sa lalawigan.

Sa ngayon wala pa umanong hawak na record ang napolcom sa resulta ng isinagawang drug testing ng PNP Pangasinan.

Sakali pa aniyang makitaan ng ebidinsya ang isang pulis sa paggamit ng ilegal drug ay posible ito sampahan ng kasong kreminal.

Ngunit ayon kay Mapili, may karapatan naman ang isang pulis na idipensa ang kanyang sarili habang may nakasampang sa kanyang kaso.

Ang tinig ni Atty. Edwin Mapili, Napolcom Provincial Director sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*