Ogie Alcasid, bukas sa posilibidad na maging Kapamilya

Bukas ang singer na si Ogie Alcasid sa posibilidad na maging Kapamilya.

Ito ang inamin ni Ogie lalo’t matatapos na ang kaniyang tatlong taong kontrata sa TV 5 ngayong buwan.

Say ng singer, wala pa raw malinaw na plano ngayon kung mananatili pa siya sa Kapatid Network o lilipat na.

Sa ngayon, focus muna umano si Ogie sa kanyang magiging birthday concert sa Music Museum sa August 26 at 27.

Aminado naman ang singer na naenjoy niya ang pag-awit sa ASAP kamakailan para kay Maestro Ryan Cayabyab.

Maliban sa ASAP ay nakasama rin si Ogie sa “Maalala Mo Kaya” commemorative album kung saan naging parte siya sa pag-awit ng “Desiderata”.

 

Speak Your Mind

*