OPAG, hinikayat ang mga magsasaka na pangalangaan ang mga irrigasyon

#2OPAG Ramy Sison 2Hinihikayat ng Office of Provincial Agriculture o OPAG Pangasinan ang lahat ng mga magsasaka na makipagtulungan sa pamahalaan sa pamamagitan ng pangangalaga sa mga irrigasyon.

Ito’y kaugnay sa ipinapatupad na institutional development ng opag kabilang na rito ang repair and rehabilation sa mga irrigation system ng Pangasinan.

Ayon kay OPAG Administrative Officer Ram Sison, mahalaga ang partisipasyon ng mga magsasaka  sa pangangalaga at pag-sasaayos sa mga irrigasyon dahil sila mismo ang nakikinabang dito.

Dagdag pa ni Sison na kung libreng mapapakinabangan ng mga magsasaka ang tubig na nagmumula sa mga irrigasyon, malaking tulong din sa panig ng gobyerno kung susuklian ito ng operation and maintenace ng mga irrigation association.

Speak Your Mind

*