Pag-aalaga ng mga high value spicies, akma para sa isinusulong na turismo

BFAR Westly RosarioTiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Dagupan na sapat ang suplay ng seabass fingerling para sa pangangailangan ng lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Dr. Westly Rosario, ang Center Chief ng BFAR– National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC), sinabi nito na nag-iisa ang BFAR-Dagupan sa mayroong hatchery ng seabass sa buong bansa.

Ayon pa kay Rosario, magandang pamalit ang pag-aalaga ng mga high value spicies gaya ng seabass sa mga bangus at telapia lalo na kung ang isinusulong ay pagpapalago ng turismo.

Bukod sa pagiging bioligical control, ang pag-aalaga ng seabass mas madali dahil kaya itong mabuhay sa fishpond at ilog o sa tubig alat at tubig tabang.

Speak Your Mind

*