Pag-ibig Fund Dagupan Branch, tumatanggap ang calamity loan application

Nagsimula nang tumanggap ang calamity loan application ang Home Development Mutual Fund or Pag-Ibig Fund dito sa lungsod ng Dagupan.

Ang naturang calamity load ay bukas para sa lahat ng miyembro ng Pag-ibig na naninirahan sa nasa ilalim ng idineklarang State of Calamity dahil sa hangging Habagat.

Ayon kay Becker Van Ramos, Information Officer ng Pag-ibig Fund Dagupan Branch, ang nasabing calamity loan ay isang programa ng gobyerno para ang mga Pangasinenses na naapektuhan ng ilang araw na pag-ulan at pagbaha.

Maaari naman aniyang makapag-loan ang isang active member ng hanggang 80 percent mula sa kanyang total saving na may mababang interest na umaabot lamang sa 5.5 percent per annum at maaari itong bayaran sa loob ng dalawang taon.

Ang mga qualified applicants naman ay maari nang magsumitte na sang kanyang calamity loan application form kasama ng kanyang photocopy ng dalawang valid IDS sa Pag-ibig Fund Office sa Burgos Street, lungsod ng Dagupan.

Speak Your Mind

*