Pagbaha sa Dagupan, naka-apekto sa pag-aalaga ng mga high value species

Kinumpirma ng Fish Grower Association sa lungsod ng Dagupan na naka-apekto sa pag-aalaga ng isda gaya ng mga high value species ang naranasang mga pagbaha.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Eduardo Maramba, President ng Philippine Association of Fish Producer, hanggang limang araw lamang nakakasurvive ang mga alagang isda sa tubig baha

Ngunit ayon kay Maramba, kung magtatagal ang pagbaba, mas nauunang mamatay ang mga high value species dahil sa zero salinity at turbid water.

Una nang naitala ang ilang paglutang ng mga high value species gaya ng alagang lapu-lapu sa dagupan dahil sa naranasang mga pag-baha.

Ayon kay Maramba, sinusubukan ngayon ng mga fish grower ng Dagupan ang pag-aalaga ng high value species dahil unti-unti nang humihina ng kita sa pag-aalaga ng bangus.

Speak Your Mind

*