Pagtatanim ng mga submarine rice variety, isinusulong ng OPAG

#3OPAG Ramy Sison 3Nananatiling maliit parin ang irrigated area ng mga magsasaka mula sa kabuuang 180,000 ektaryang sakahan ng palay sa buong lalawigan ng pangasinan.

Ito ang inihayag ni Ram Sison, Adminstrative Officer ng Office of the Provincial Agriculture Office (Opag) sa programang Lakbay Agri sa Himpapawid ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon kay Sison, nasa limampung porsyento pa lamang ang naaabot na program ng opag kaya patuloy silang sumusubok ng ibat-ibang variety ng palay na angkop sa kondisyon ng sakahan.

Partikular na aniya rito ang programang “adaptability trial of submarine rice variety in flood prone rice area” kung saan ito ay ipinatupad sa mga sakahan na madalas bahain.

Kabilang aniya rito ang bayan ng Sta. Barbara na isang low-lying area sa Pangasinan kayat epektibo rito ang pagtatanim ng “submarine rice variety”.

Speak Your Mind

*