Pakikipagtulungan ni Cong. Celeste sa paglaban kontra ilegal drugs, kinumpirma

Kinumpirma ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) ang bulontaryong pagsuko ni 1st District Congressman Jesus “Boying” Celeste matapos mapasama ang pangalan nito sa narco-politics na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni P/Supt. Jackie Candelario, Information Officer at Deputy Provincial Director for Operation ng PPO, kung saan kusang loob din nitong idiniposito ang pag-aari nitong mga baril sa PNP.

Palatandaan aniya ito na handang makipagtulungan ang kongresista at makiisa sa kampanya ng pangulo laban sa iligal ng droga kasama na rito ang pagtatanggal ng kanyang security escort.

Ang hindi pa lang aniya malinaw ay kung kailan personal na magtutungo si cong. Celeste kasama ng Police Regional At Provincial Director sa Campo Crame.

Speak Your Mind

*