Pamamahagi ng mga high quality palay seeds, patuloy na isinasagawa

Tuloy-tuloy ang programa ng Department of Agriculture (DA) at mga lokal na pamahalaan ng Pangasinan sa pamamahagi ng high quality palay seeds sa mga magsasaka

Ito ang inihayag ni Dalisay Moya, Officer-in-Charge ng Office of the Provincial Agriculture (OPAG) bilang bahagi sa kanilang programa na tulungan ang mga magsasaka na mapalaki ang kanilang kita.

Sa katunayan pa aniya rito ay nakapamahagi na ang provincial government katuwang ang D-A ng tinatayang nasa mahigit tatlumpong libong mga high quality palay seeds.

Bukod dito, sinabi rin ni Moya na nagpapatuloy rin ang programa ng probinsya sa rehabilitation ng mga communal irrigation system at installation ng mga shallow tube well irrigation para matugunan ang patubig ng mga magsasaka.

Ang tinig ni Dalisay Moya, Officer-in-Charge ng Office of the Provincial Agriculture (OPAG) sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*