Pambato ng Pilipinas sa Judo na si Kodo Nakano, talo na sa Rio Olympics    

Hindi naman umubra ang galing ng Filipino-Japanese na si Kodo Nakano sa Judo Competition sa Rio Olympic.

Ito ay makaraan siyang talunin ni Matteo Marconcini ng Italya sa unang round ng 81 kgs. Judo Competition.

Naging pahabol na pambato ng bansa si Nakano na kasama sa Olympics.

Matatandaan naman na si Nakano ay naging bronze medalist noong 2013 Southeast Asian Judo Championship at siya ang kumatawan sa bansa sa World Championships sa parehas din na taon.

Speak Your Mind

*