Panibagong oil price rollback sa mga produktong petrolyo, ipinatupad

Sinimulan ng ipatupad ng mga kompanya ng langis ang rollback sa produktong petrolyo.

Siyete singkwenta sentimo ang binawas sa kada litro ng gasolina ng Pilipinas Shell, Eastern Petroleum, Flying V, Unioil, PTT Philippines, Phoenix Petroleum at Caltex.

Habang nobenta sentimo ang bawas sa kada litro ng diesel.

Nobenta sentimo naman ang bawas sa kada litro ng kerosene ng Shell, Flying V at Caltex.

Alas dose uno kaninang hatinggabi ay nagpatupad ng rollback ang Eastern Petroleum, Flying V at Caltex.

Habang alas sais ngayong umaga epektibo ang rollback sa Shell, Unioil, PTT Philippines at Phoenix Petroleum.

Speak Your Mind

*