Pasahe sa MRT-3, walang pagtaas hanggat di maayos ang serbisyo

Walang magaganap na pagtataas ng singil sa pasahe sa Metro Rail Transit o MRT-3 hangga’t hindi naayos ang serbisyo sa publiko.

Ayon kay Department of Transportation Undersecretary Noel Kintanar, alinsunod sa polisiya ay nasa kamay ng departamento ang pagpapasya kaugnay sa pagtatakda ng taripa o pasahe sa MRT.

Tiniyak ni Kintanar na hangga’t hindi naayos at walang development sa serbisyo ng mrt-3 ay hindi nila papayagang makapagtaas ito ng singil sa pasahe.

Nitong mga huling araw ay halos araw-araw na nakararanas ng technical problem ang mrt na nakaapekto sa biyahe at nakakaperwisyon sa mga mananakay.

Speak Your Mind

*