PDRRMO, nakaantabay parin sa mga coastal municipality dahil sa Habagat

Nakamonitor parin ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa mga coastal municipality sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa naitalang pag-uulan dala ng hanging habagat.

Ayon kay Avenix Arenas, ang Training at Information Officer ng PDRRMO na nagpadala na ng mga rubber boat ang PDRRM sa mga coastal area sa pangasinan bilang bahagi sa kanilang Disaster Preperdness Program.

Nakaantabay din ang PDRRMO sa Lingayen Beach dahil wala namang nakataas na gale warming kayat pinapayagan pa ang mga beach goers na maligo.

Ganunpaman, mahigpit naman umanong nakabantay ang WASAR Team na nakatalaga sa mga beach tower upang matiyak na walang maitatalang drowning insident.

Speak Your Mind

*