PDRRMO, nakataas na sa blue alert status dahil sa pag-ulan

Nakataas ngayon sa blue alert status ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO dahil sa nararanasang tuloy-tuloy na pag-ulan sa malaking bahagi ng lalawigan ng Pangasinan.

Pangunahing binabantayan ng PDRRMO ang mga coastal minicipality at mga low-lying barangay na bahain dahil sa nararanasang hanging bahagat na sinabayan pa ng high tide.

Ayon kay Avenix Arenas, Training and Information Officer ng PDRRMO, prayoridad nilang binabantayan ang mga major system sa pangasinan partikular na ang Sinucalan na malapit na sa critical level.

Habang umabot na umano sa critical level na 6ft ang level ng tubig sa Marusay River sa bayan ng Calasio mula sa normal level nito na 5ft.

Dahil dito, nakahanda na ang mga rescue equipment ng PDRRMO sakaling magkaroong ng force evacuation sa mga residente ng epektado ng mga pag-baha.

Speak Your Mind

*