Pekeng herbal syrup nakalat sa merkado, ibinababala ng FDA

Binigyan ng babala ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko sa pagbili ng isang “herbal syrup” na ibinebenta ngayon sa merkado

Iginiit ng FDA na ito ay dahil hindi rehistrado sa ahensiya at maaring makasama sa kalusugan.

Nabatid na nagpalabas ang FDA ng public health warning laban sa unregistered food product na ‘Best Life Herbal Syrup’ na mabibili ngayon sa merkado.

Base sa inisyung Advisory No. 2016-080, pinayuhan ng FDA ang publiko na huwag bilhin at gamitin ang naturang produkto dahil hindi ito rehistrado sa kanilang tanggapan.

Speak Your Mind

*