Pelikulang “Ang Babae sa Septic Tank”, magkakaroon ng part 2

Magkakaroon ng part 2 ang Award Winning Filipino Comedy Film na “Ang Babae sa Septic Tank” na muling pagbibidahan ni Eugene Domingo.

Mistulang reunion rn ang nasabing pelikula ng mga original co-star ni Euguene dahil muli niya ring makakasama dito sina Kean Cipriano at Cai Cortez.

Ito namang magiging unang movie na gagawin ni Uge after two year na puro TV projects lang ang kaniyang inatupag.

Matatandaan na humakot ng iba’t ibang international award ang nasabing pelikula at naging pambato pa ng Pilipinas sa Oscar para sa kategoryang Foreign Language Film.

Speak Your Mind

*